AP VARGAS PACQUIAO BOXING S BOX USA NV

Pacquiao, ilalaban ni Arum sa ‘small time’ Australian rival.

BRISBANE, Australia (AP) – Pasintabi kay Terence Crawford (29-0, 20 KOs) , gayundin sa mga nakapilang pamosong fighter na sina Vasyl Lomachencko (6-1, 4), Danny Garcia (32-0, 18 KOs), Keith Thurman (27-0, 22 KOs) , Kell Brooks (36-1, 25 KOs) at Amir Khan (31-4, 19 KOs).

Wala ring rematch na magaganap kay Floyd Mayweather, Jr. – sa kasalukuyan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Mula sa listahan nang mga de-kalibreng fighter, nakalusot ang unheralded na si Jeff Horn, ang Australian welterweight champion na may pro record na 16-0, tampok ang 11 knockout, para makaharap ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ipinahayag ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao sa Top Rank, sa panayam ng ESPN na selyado na ang pagbabalik aksiyon ni Pacman laban sa itinuturing ‘patsy’ fighter na isang Olympian.

Nagkaayos na sina Arum at Dean Lonergan, director ng Duco Events, ang promoter ng Australian undefeated champion.

Itinakda ang laban sa Abril 23 (Abril 22 sa Amerika).

Wala pang kompirmadong venue, ngunit malaki ang tsansa na ganapin ang laban sa Australia, partikular sa bayan ni Horn sa Brisbane.

"The preference for all parties is for the fight to be held in Australia, and we are working towards this outcome," pahayag ni Lonergan sa Australian media sa ginanap na press conference sa Regatta Hotel.

Iginiit ni Arum na nais niyang ganapin ang laban sa outdoor stadium at tiniyak na mapapanood ito sa 159 bansa, kabilang na ang US kung saan maipalalabas ang laban ng live sa primetime Saturday slot.

"I would expect 3-4000 Filipinos to fly from the Philippines for this fight down under," pahayag ni Arum.

"It will be the biggest fight in Australian history but, until the money is secured, we have to keep our options open, including looking at the Middle East and USA,” aniya.

Isang dating guro si Horn (16-0-1) at nagsanay ng boxing para maprotektahan ang sarili sa mga bully. Kinatawan niya ang Australia sa 2012 Olympic Games sa London at kaagad na tumuntong sa pro rank kung saan mabilis ang kanyang naging pagangat bilang No.2 contender sa WBO welterweight division na tangan sa kasalukuyan ni Pacquiao matapos gapiin si Jessie Vargas nitong Abril.

Tangan ang impresibong 59-6-2 marka, sasabak ang 38-anyos na Senador sa karibal na isang dekadang mas bata at mistulang estranghero sa mata ng boxing aficionados.

Tunay na hindi kilala si Horn dahil lahat ng kanyang 17 pro fight ay naganap sa kanyang bayan sa Brisbane.

Ngunit, ngayon pa lamang, sabik na ang Australian boxing fans, higit ang trainor ni Horn na si Glenn Rushton sa pagkakataong makalaban si Pacquiao at kung sakali magapi ang itinuturing ‘People’s Champion’.

"We really hope the Queensland government and so forth will feel the same way. It just makes sense, but also for the future. This can reinvigorate boxing in Australia,” aniya.

Usap-usapan na ang pagsabak ni Pacquiao kay Crawford, ang WBC/WBO super lightweight champion, ngunit iginiit ni Pacman na lalaban siya kung matatanggap ang guaranteed na premyong US$20 milyon