Kinasuhan ng graft ang dating alkalde ng Zamboanga del Norte sa diumano’y ilegal na pagpirma sa mga tseke, disbursement voucher at payroll noong 2010.
Bukod kay ex-Sibuco, Zamboanga del Norte mayor Norbideiri Edding, kinasuhan din ng paglabag sa Section 3(a) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practioces Act) ang pitong konsehal na sina Norbryan Edding, kapatid ng alkalde; Malik Tutuan, Nasser Mahamod, Absar Caril, Jaapal Dodong, Abbas Samson, at Misal Hawari.
Inihayag ng Ombudsman na nakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mga ito kung kaya’t isinampa na nila ang demanda sa Sandiganbayan. (Rommel P. Tabbad)