INABANGAN at tinututukan ng sambayanan ang premiere telecast ng unang pagtatambal nina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa pinakabagong family drama ng ABS-CBN na A Love To Last ayon na rin sa nairehistrong paghataw ng show sa national TV ratings.
Sa viewership survey data mula sa Kantar media noong Lunes (Enero 9), nagtala ng national TV rating na 25% ang world priemere ng A Love To Last kontra sa kalaban nitong programa na Alyas Robin Hood na nakakuha naman ng 19.8%.
Wagi rin ang A Love To Last sa social media tulad ng Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag nitong #ALovetoLastWorldPriemere. Samantala, naging natiowide trending topic naman ang karakter ni Ian na si Anton.
Sa pagsisimula ng love story nina Anton (Ian) at Andeng (Bea), ipinakita ang kanya-kanyang buhay, pati na rin ang kanilang pinagdaraanan sa pag-ibig. Nahuli ni Andeng ang kanyang fiancé na may kasamang iba at si Anton naman ay pinipigilan ang asawa na humihingi ng annulment.
Inaabangan ng mga manonood kung paano nila malalampasan ang mga paghamong ito.
Napapanood ang A Love To Last pagkatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano, sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky Channel 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.