GAMU, Isabela - Dalawang katao ang namatay makaraang maaksidente ang isang motorsiklo sa Maharlika Highway sa Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Freddie Agullana, 24; at Cris Uttanes, 38, kapwa taga-Bgy. Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela.

Dakong 1:22 ng umaga nitong Lunes nang mawalan ng kontrol ang motorsiklo hanggang bumangga sa steel railing post.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival