Caroline Wozniaki

SYDNEY (AP) — Sinimulan ni dating No. 1-ranked Caroline Wozniacki ang paghahanda sa Australian Open sa impresibong 6-3, 2-6, 6-4 panalo kontra Rio Olympic gold medalist Monica Puig sa Sydney International nitong Lunes (Martes sa Manila).

Target ni Wozniacki, ang world No. 1 noong 2010 at 2011, na makabawi sa nakadidismayang first-round exit sa Australian Open sa nakalipas na taon. Hindi pa siya nagwawagi ng major title.

Nagawang makabangon ni Puig sa second set para hilahin ang laro sa decider, ngunit nagawang makabawi ni Wozniacki para madomina ang laban at tapusin ang karibal sa loob dalawang oras at 10 minuto.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Matikas din ang simula ni third-seeded Dominika Cibulkova, WTA Finals champion at finalist sa Australian Open noong 2014, kontra Laura Siegemund, 6-2, 6-0, para makausad kasama sina No. 6 Johanna Konta at No. 9 Roberta Vinci.

Umabante rin sina American Christina McHale at CoCo Vandeweghe nang pataubin ang kani-kanilang karibal, No. 4 Kateryna Bondarenko, 4-6, 7-5, 6-2 at No. 8 Elena Vesnina (retired), ayon sa pagkakasunod.

Masigasig naman si Australian-native Sam Stosur, ang 2011 U.S. Open champion, ngunit nabigo kay Anastasia Pavlyuchenkova, 6-3, 6-1.

Sa men’s side, nakahirit sina fifth-seeded Philipp Kohlschreiber kontra Fabio Fognini 6-4, 6-4; Matthew Barton kontra Kyle Edmund 7-6 (3), 7-6 (5) at Daniel Evans laban kay Thiago Monteiro, 6-3, 4-6, 6-3.