NATUKLASAN kamakailan sa isang pag-aaral ang makabuluhang resulta sa paggamot ng depresyon gamit ang video game interface na tumatama sa mga cognitive issue sa halip na pangasiwaan lamang ang mga sintomas nito.

Sa unang pag-aaral, ipinasok ang mga matatanda na na-diagnose ng late-life depression sa treatment trial at binigyan sila ng mobile, tablet-based treatment na dinebelop ng Akili Interactive Labs na tinatawag na Project: EVO o in-person therapy technique na kilala bilang problem-solving therapy (PST).

Bagamat batid nang ang mga taong may late-life depression na nasa edad 60 pataas ay mahirap magpokus ng atensyon sa kanilang personal goals at nahihirapan ding mag-concentrate dahil lagi silang nagagambala ng kanilang mga alalahanin, ang Project: EVO application, o app, na maaaring gamitin sa phone at tablet ay idinisenyo para mapabuti ang pokus at atensiyon sa basic neurological level, upang maiwasan ang mabilis na pagkagambala.

Halos lahat ng kalahok ay hindi pa nakakagamit ng tablet, o nakapaglaro ng video game. Kinailangang makapaglaro sila ng video game limang beses kada linggo sa loob ng 20 minuto, ngunit marami sa kanila ang naglaro ng lampas pa sa itinakdang oras. Dumalo rin sila ng mga pagpupulong kada linggo kasama ang clinician. Nagsisilbing control ang mga pagpupulong dahil ang mga kalahok sa problem-solving therapy arm ay nagkikita linggu-linggo, at mahalaga ang social contact dito na maaaring makapagdulot ng positibong epekto sa panagano (mood).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“We found that moderately depressed people do better with apps like this because they address or treat correlates of depression,” saad ni Patricia Arean, medicine researcher sa psychiatry at behavioral sciences ng University of Washington at senior author ng pag-aaral na inilathala noong nakaraang linggo sa journal na Depression and Anxiety.

Napag-alaman sa resulta na ang grupong gumamit ng Project: EVO ay nagpakita ng cognitive benefits tulad ng attention, kumpara sa behavioral therapy na nagpakita rin ng pag-inam ng kanilang panagano at self-reported function.

“While EVO was not directly designed to treat depressive symptoms; we hypothesized that there may indeed be beneficial effects on these symptoms by improving cognitive issues with targeted treatment, and so far, the results are promising,” ani Anguera. (PNA)