Ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin ay hudyat ng pagbabalik ng tambalan ng ex-lovers na sina Gerald Anderson at Kim Chiu pagkatapos maghiwalay halos apat na taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Gerald, maayos ang samahan ng lahat sa production team at cast kaya smooth sailing ang trabaho nila.

“Nag-i-enjoy kami sa taping. Kami ni Jake (Cuenca) lalo na ‘pag mga eksenang nag-i-exercise, gano’n or nagba-bike o tumatakbo, na-i-excite kami. Kasi ito ‘yung first time na tungkol du’n sa triathlon ‘yung show, so we’re very excited for 2017 ‘pag pinalabas na ‘to,” pahayag ni Jake sa set nang magkaroon sila ng pictorial.

Gumaganap sina Gerald at Kim bilang triathletes, at ang pinakagusto ni Gerald sa series ay ang pagpapakita niya ng kanyang totoong hilig sa sports.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Behind the camera, sobrang active ako sa sports – something na gusto kong ipakita sa tao. And kung gaano kahalaga at importante ‘yung sports pagdating sa buhay ko, sa totoong buhay. Kaya ‘pag ‘pinalabas ito, alam kong maraming makaka-relate dahil ang mga Pinoy, napaka-sporty,” aniya.

Sabi naman ni Kim, maaliwalas ang kanyang working experience.

“Refreshing to work with ‘yung mga nakatrabaho mo dati and then ngayon. ‘Yun nga, sila Jake, sila Gerald and first time ko to work with Coleen (Garcia) and some other artistas din so it’s refreshing to work with them again.”

Kuwento pa ni Kim, matindi ang pinagdaanan nilang physical training para sa Ikaw Lang Ang Iibigin na ipapalabas sa Kapamilya primetime block.

“Nag-training kami. Nag-swimming, nag-bike and then, nag-run so parang ‘yung bike and run, hindi naman siya bago sa akin kasi I love running and then‘yung bike, siguro p’wede na. ‘Yung swimming lang talaga ‘yung pinakamahirap sa akin, ‘yung mag-freestyle kasi ang ginagawa ko naman sa swimming, sisid-sisid, ‘yung normal… Ito may proper training talaga.”

Gustong ipakita ni Kim ang bahagi ng buhay niya na hindi alam ng publiko.

“Kasi ‘pag sa teleserye, lagi akong seryoso. Laging drama, iyak kaagad, pilot week pa lang. Ito, gusto ko iba naman… Parang ito kasi, it’s close to my personal character, ‘yung totoo ako talaga – ‘yung jolly, bubbly, ‘yung gano’n. Dito naipakita ko siya, nailabas ko siya,” masayang pagtatapos ng dalaga.