SYDNEY (AP) — Pinatawan ng pitong taong ‘banned’ ng Tennis Integrity Unit ang dating Australian Open junior boys’ finalist matapos mapatunayang guilty sa kasong match-fixing sa isang minor tournament noong 2013.

Ayon sa record ng New South Wales Police, pinatawan ng kasong ‘intentionally losing’ sa kanyang laro si Nick Lindahl, para manalo ang kanyang mga kaibigan na pumusta sa kanyang kalaban sa ITF Future tournament sa Toowoomba, west of Brisbane, boong Setyembre 2013.

Na-convict siya noong Abril at pinagmulta ng criminal court sa Australia.

Sa hiwalay na pagdinig na isinagawa ng TIU, sa pangangasiwa ni independent anti-corruption official Richard H. McLaren, napatunayang nagkasala si Lindahl. Pinatawan siya ng banned at pinagmulta ng US$35,000.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natukoy ng betting agency ang kalokohan ni Lindahl at kaagad na isinuplong sa pulisya. Inabot ni Lindahl career-high ATP ranking ng 187 noong 2010 matapos matalo sa first round ng US Open.

Dalawang iba pa ang pinarusahan ng TIU bunsod ng kasong korapsyon. Pinatawan ng anim na buwan na suspensiyon sina Brandon Walkin, 22, at Isaac Frost, 28, bunsod nang pagtanggi na tumestigo sa TIU investigation.

Ginapi ni Roberto Bautista Agut si Daniil Medvedev ng Russia, 6-3, 6-4, para makopo ang men’s single title ng Chennai Open nitong Lunes.

Hindi kinakitaan nang pagkabalisa ang second-seeded Spaniard para biguin si Medvedev sa kauna-unahang career final match. Nakausad na rin si Agut sa finals dito noong 2013.

“I am happy to start the year with a tournament win. I played well throughout,” sambit ni Agut.

“My aim is to keep improving and enter the top 10.”