Habang naghahanda ang pambansang delegasyon ay target ng Philippine Sports Commission na isabay ang buong implementasyon ng sports science program sa susunod na anim na buwan base sa programa nito sa Philippine Sports Institute.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na kasabay sa huling anim na buwang paghahanda ng mga atleta ay pagsasapatupad ng pangunahin nitong proyekto na ipapatupad ng makabagong uri ng pagsasanay para sa hinahangad nitong matupad na direksyon sa sports ng bansa.

“We wanted to help our athletes know their best potential, and that is by monitoring them and showing them how they could improve more on their capabilities with sports science,” sabi ni Ramirez habang tinukoy ang malaking tulong ng Sports Science sa ibang kalapit bansa.

Nakatala sa plano ng PSC ang pagtatayo ng Sports Science building sa Ultra bago dumating ang buan ng Hunyo na siyang paglalagyan ng nagkakahalaga n P50-milyon na mechanical machine. Ang BioGenetics machine ang nagdedetermina sa bio mechanics, physiology at nararapat na ehersisyo sa isang atleta na bibilhin mula sa South Korea.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Marami pang sports science equipment ang binili para naman sa 12 regional training center na asam ng PSC na maitayo at mapatakbo kalahatian ng taon.

Ang mga equipment at sistemang bibilhin ay kagaya halos sa ipinapatupad ng Korea , Australia at Hongkong Sports Institutes.

Katatapos lamang ng directional meeting sa pagitan ng PSC at NSAs sa Tagaytay City habang kasunod na ilulunsad ang Philippine Sports Institute sa Enero 16 sa Ultra. (Angie Oredo)