Hindi lahat ng pagkatalo ay kalungkutan ang naidudulot sa nakararanas.

Karaniwan na sa kabiguan nila natutunan ang mga tamang dapat gawin at matuklasan ang kanilang kalakasan at kahinaan sampu sa dapat paghandaan sa susunod na laban.

Ganito halos ang nangyari para sa koponan ng Barangay Ginebra na nabigo sa kamay ng reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer, 70-72, nitong Linggo kasunod ng malaking panalo nila kontra Star noong Pasko.

Sa kabila ng pagkabigo, nanatiling positibo si LA Tenorio dahil sa magagandang bagay na kanyang nakita.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“I think if we’re going to look at the whole game, I think it’s a good sign for us. If we play like that in the next games, may mararating yung team namin,” sabi ni Tenorio.

“I hope this game will give the confidence going to the next games.”

Ngunit hindi naman niya binalewala ang mga pagkakamali at hindi magandang nangyari sa naturang kabiguan, kabilang na ang masama nilang shooting.

“The problem now is our offense. We have to gain our confidence back every game. But I hope this game will give the confidence going to the next games,” sabi nito.

Gayunman, nananatiling optimistiko si Tenorio mula sa kinasadlakan.

“May chance pa naman eh. Hawak pa rin namin yung baraha namin. If we play like that against other teams, I think malaki yung chance naming manalo.” (Marivic Awitan)