Ipinanukala ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon na magtayo ng Overseas Filipino Workers Office sa bawat lalawigan upang matiyak na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga bagong bayani ng bansa.

“There is no better place to start than at the provinces,” ani Biazon.

Hiniling niya na maipasa ang House Bill 2992, na magkakaloob sa OFW Office ng one-stop-shop upang matugunan ang mga pangangailangan at suliranin ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya.

Batay sa 2015 survey, mayroong tinatayang 2.4 milyong OFW sa buong mundo. (Charissa M. Luci)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony