Dahil sa isang itim na bag na iniwan sa harap ng Sta. Cruz Church sa Ronquillo Street, Sta. Cruz, Maynila, bahagyang natensiyon ang mga deboto ng Itim na Nazareno kahapon.

Kaagad ini-report ng mga concerned citizen sa mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Manila Police District (MPD) ang bag at isinailalim sa x-ray hanggang sa natuklasang mga personal na gamit lamang ang laman ng bag at walang bomba.

Dakong 9:00 ng umaga nang masilayan ang bag sa Ronquillo Street at makalipas ang ilang oras ay wala pa rin umanong dumadampot sa nasabing bag.

Ayon naman kay Chief Insp. John Guiagui ng Plaza Miranda Police Station, na isang deboto na mula sa Samar ang nag-iwan ng bag dahil nagtungo ito sa palikuran.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Pinaalalahanan ni Guiagui ang publiko na umiwas sa paglikha ng panic at hindi rin aniya dapat magpaskil ng mga maling report sa social media dahil nakakadagdag lamang ito ng takot sa mga taong nagtutungo sa Quiapo. (MARY ANN SANTIAGO)