meryl-copy

KAHIT namamaos ang boses, ginamit ni Meryl Streep ang entablado ng Golden Globes para ibahagi ang kanyang makabuluhang mensahe.

Ginawaran ang aktres ng honorary Cecil B. DeMille Award sa seremonya at sinimulan ang kanyang talumpati sa paghingi ng paumanhin dahil sa kanyang boses.

“I’ve lost my voice in screaming and lamentation this weekend,” paliwanag ng mahusay na aktres, na nakibahagi sa memorial service na naganap noong nakaraang linggo para sa kanyang kaibigang si Carrie Fisher at ina ni Fisher na si Debbie Reynolds.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagbiro si Meryl sa punumpunong lugar ng, “the most vilified segments in American society right now: Hollywood, foreigners, and the press.” At idinugtong na, “What is Hollywood, anyway? It’s just a bunch of people from other places.”

“Hollywood is crawling with outsiders and foreigners, and if we kick ’em all out, you’ll have nothing to watch but football and mixed martial arts, which are not the arts,” saad niya.

Bagamat panimula pa lang ito ni Meryl. “There was one performance this year that stunned me. It sank its hooks in my heart,” aniya. “Not because it was good. There was nothing good about it. But it was effective and it did its job. It made its intended audience laugh and show their teeth. It was that moment when the person asking to sit in the most respected seat in our country imitated a disabled reporter, someone he outranked in privilege, power, and the capacity to fight back.”

Tinutukoy niya ang election campaign ni Donald Trump – na hindi man lamang niya binanggit ang pangalan. Sa halip, umapela siya sa press – kabilang ang “famously well-healed” Hollywood Foreign Press Association, ang organisasyon sa likod ng Globes – para “hold power to account, to call them on the carpet for every outrage.”

Hinimok niya ang mga manonood na samahan sa kanyang pagsuporta sa Committee to Protect Journalists, isang nonprofit organization na pumoprotekta sa kalayaan para sa pamamahayag sa buong mundo. Nagsalita rin siya sa audience ng Hollywood insiders, at nagpaalala na, “privilege and the responsibility of the act of empathy” na nagbibigay kahulugan sa kanilang trabaho.

Tinapos ni Meryl ang kanyang talumpati sa paggamit ng quote ng yumaong si Fisher: “As my friend, the dear departed Princess Leia, said to me once: ‘Take your broken heart, make it into art.’” (Yahoo Celebrity)