Enero 10, 1920 nang itatag ang League of Nations (LN) (La Société des Nations, in-abbreviate na SDN sa salitang French) matapos aprubahan ang 42 bansa ang Covenant of the League of Nations sa kasagsagan ng Paris Peace Conference noong 1919, na nagtapos sa World War I.

LN ang unang international organization na layuning mapanatili ang kapayapaan ng mundo. Maiwasan ang kaguluhan sa pamamagitan ng collective security at disarmament at maisaayos ang international disputes sa pamamagitan ng negosasyon at arbitration.

Kabilang sa member-nations ng LN, na may headquarters sa Geneva, Switzerland, at ang Australia, ang British Empire, Canada, China, France, India, Spain, at ang Union of Soviet Socialist Republics. Sa rurok ng pagkakatatag nito, mula 1934 hanggang 1935, lumobo sa 58 ang miyembro nito. Tuluyang nabuwag ang LN noong 1946 kasabay ng pagkakatatag ng United Nations noong Oktubre 1945.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’