Pinagtibay ng Court of Tax Appeals (CTA) ang desisyon nito na obligahin ang Commission on Elections (Comelec) na magbayad ng P30 milyon sa expanded withholding tax (EWT) na hindi nito nasingil sa mga supplier noong 2006.
Sa walong pahinang binagong desisyon, sinabi ng Second Division ng korte na may pananagutan ang Comelec sa EWT sa kapasidad nito bilang withholding agent ng BIR kaugnay sa lease transactions na pinasok ng poll body kasama ang Smartmatic Sahi Technology at Avante International, Inc.
Gayunman, binawasan ng korte ang orihinal na bayarin sa buwis mula P40 ay ibinaba sa P30 milyon at hindi na isinama ang interes at multa alinsunod sa Sections 247 at 249 ng Tax Code.
Sa ilalim ng Tax Code, ang Comelec employee na itinalaga bilang withholding agent magbabayad sa interes at multa.
(Jun Ramirez)