Sinabi kahapon ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na durugin ang Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang grupong terorista sa loob ng anim na buwan.

Sa isang panayam matapos ang DND-AFP New Year’s Call 2017 sa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni Lorenzana na bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Duterte sa pinag-isang Command Conference ng AFP at Philippine National Police (PNP) sa Malacañang nitong Biyernes, puntirya rin ng militar ang sugpuin ang mga insidente ng piracy, kidnapping at pambobomba sa Mindanao.

Bukod sa ASG, na hawak pa ang 27 bihag, kabilang ang 18 dayuhan, sa Sulu at Basilan, target din ng militar na magapi ang Maute terror group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Ansar Al-Khilafah Philippines sa loob ng anim na buwan.

“For the record our goal is to defeat the Abu Sayyaf, the Maute, etc.,” ani Lorenzana.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Yes that is our target, in fact that was the target given by Chief of Staff Gen. Eduardo Año. Let’s see if we could do that in the next six months. But if not, we can extend it by the end of the year,” sabi pa ni Lorenzana.

(Francis T. Wakefield)