Isang teenager, na umano’y tumulong sa isang drug suspect na makatakas, ang napatay ng mga pulis sa Bagong Barrio, Caloocan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga pulis ang napatay ngunit hindi na ito pangangalanan dahil ito’y menor de edad, 17.

Ayon sa mga pulis, si Emilio “Popo” Bolalin ang target ng nasabing operasyon.

Base sa imbestigasyon, dakong 3:15 ng madaling araw, nagbebenta ng ilegal na droga si Bolalin sa mga operatiba sa P. Gomez Street sa Barangay 154, Bagong Barrio, Caloocan.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Nang makaramdam na pulis ang kanyang katransaksiyon, tumakbo umano si Bolalin at sumiga ng, “pulis, pulis!”

Hinabol ng mga pulis si Bolalin hanggang sa loob ng kanyang bahay. Ngunit nang marating ng mga ito ang ikalawang palapag, nakita nila ang menor na may hawak na baril at sila’y tinutukan.

Dahil dito, napilitan umano ang mga pulis na paputukan ang menor na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober ang ilang pakete ng shabu at baril. (Jel Santos)