marella-salamat-kindly-crop-copy-copy

Matinding hamon ang kakaharapin ni dating Southeast Asian Games gold medalist Marella Salamat sa kanyang muling pagsabak sa darating na biennial meet ngayong taon na gaganapin simula Agosto 19 hanggang 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Batay sa mga napagkasunduang events na paglalabanan sa cycling, hindi kasali ang paboritong event ni Salamat na individual time trial kung saan sya nagwagi ng gold medal noong 2015 Singapore SEA Games.

Kaya naman matinding hamon ang kakaharapin ng ace woman rider ng bansa upang muling makapag uwi ng gold medal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Susubukan niyang magwagi sa pagkakataong ito sa criterium at massed start race events.

Kaya’t bilang paghahanda, limang malalaking multi- stage races ang lalahukan ni Salamat sampu ng buong RP Women’s cycling team na kinabibilangan nina Avegail Rombaon at Irish Wong ayon na rin kay national coach Cesar Lobramonte.

Kabilang sa mga karera na lalahukan nila ang Asian Cycling Championships na gaganapin sa Bahrain sa susunod na buwan, ang BIWASE Cup sa Marso na idaraos sa Vietnam, ang Princess Maha Chakron Sirindorn Cup sa Thailand sa Abril, ang Juanita Jelajah race sa Malaysia sa Mayo at isa pang karera sa Vietnam sa Hulyo.

Kabila sa makakatunggali nila sa mga nabanggit na karera ang mga siklistang siya rin nilang makakasagupa sa darating na Sea Games. (Marivic Awitan)