Umabat sa 24,000 ang pumila sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila para makahalik sa imahen ng Itim na Nazareno kahapon.

Ang bilang ay naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) 12:00 ng tanghali, at inaasahang tatataas pa ito sa kahapunan at gabi.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, 4:00 ng umaga kahapon ay nasa 9,000 katao na ang dumagsa sa pahalik.

Nabatid na itinigil pansamantala ang aktibidad bandang 3:30 ng umaga sa hindi batid na dahilan at muling itinuloy ng 7:35 ng umaga.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Dahil dito humaba ang pila ng mga debotong nais makahalik at maipunas ang dalang panyo o tuwalya sa imahen ng Nazareno.

Sinasabing umabot ang pila hanggang Katigbak Drive, na malapit na sa Manila City Hall.

Pagsapit ng 9:00 ng umaga, umakyat na sa mahigit 22,000 ang mga debotong sa pahalik.

Lumobo ito sa 24,000 pagdating ng tanghaling tapat.

Dinagsa naman ng halos 1,000 katao ang Quiapo church kung saan may pahalik din. (Bella Gamotea at Mary Ann Santiago)