Binalasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga traffic enforcer na nakatalaga sa bahagi ng EDSA sa Pasay City upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng “nose in, nose out” policy sa mga bus terminal.

Sisimulan ang pagbalasa sa Martes, ayon kay Tim Orbos, MMDA officer in charge.

Ginawa ang pagbalasa upang maiwasan ang pakikipagsabwatan ng mga enforcer at bus terminal operator.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Familiarity breeds certain things so it’s best that we replace traffic enforcers manning the area,” ani Orbos.

Sa ilalim ng nose in, nose out policy, bawal ang mga bus na pumasok na paatras sa terminal para hindi makaabala sa daloy ng trapiko.

Sabi ni Orbos, ilang kumpanya ng bus sa EDSA-Pasay area na may magkakatabing terminal ang sumang-ayon na gibain ang mga namamagitang pader upang ma lumawak ang space na pagmamaneobrahan ng mga bus.

“Some terminal operators have no choice but to transfer their units to other terminals because starting next week, we will strictly enforce the nose in, nose out policy,” sabi ni Orbos.

Siyam sa 16 na terminal sa EDSA sa Pasay ay walang lugar na pag-iikutan ng mga bus. (Anna Liza Villas-Alavaren)