PYONGYANG (Reuters) – Nagdeklara ang North Korea noong Linggo na maaari nitong subukang magpakawala ng isang intercontinental ballistic missile (ICBM) anumang oras mula sa alinmang lokasyon na pinili ng lider nilang si Kim Jong Un.
Nagpahayag si Kim noong Enero 1 na susubukan ng kanyang bansa na magpakawala ng ICBM.
“The ICBM will be launched anytime and anywhere determined by the supreme headquarters of the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea),” sinabi ng isang tagapagsalita ng Foreign Ministry, iniulat ng official KCNA news agency.
Sinabi ni US Defence Secretary Ash Carter noong Linggo na seryosong banta sa United States ang nuclear weapons capabilities at ballistic missile defence programs ng North at handa silang pabagsakin ang anumang missile na pakakawalan ng North Korea.