Rarampa ang 20 Miss Universe candidates sa isang fashion show sa lungsod na ito na suot ang mga damit na hinabi sa Abel Iloko.

Dadalaw ang mga kalahok sa pageant sa Vigan sa Enero 15, ayon kay Ilocos Sur Tourism Officer Ryan Astom.

Rarampa sila sa 50-metro na catwalk mula sa Vigan Heritage Village hanggang Plaza Burgos.

“The Miss Universe candidates are set to wear the attractive abel – Ilocos dresses designed by talented local designers and prominent fashion designers in Metro Manila,” ayon kay Astom.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Dadalaw din ang mga kalahok sa tanyag na Baluarte Zoo.

Magtatalaga naman ang Philippine National Police (PNP) ng 1,000 pulis para bantayan ang mga Miss Universe aspirants.

Isa sa ipagbabawal ay ang pagkuha ng mga litrato sa mga kandidato. (Freddie G. Lazaro)