Nakaranas ng matinding lamig kahapon ang mga residente ng Metro Manila at Baguio City, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dakong 6:00 ng umaga nang maitala ang 19 degrees Celsius sa Science Garden, Diliman, Quezon City, mas mababa kumpara sa 20 degrees Celsius na naitala sa nasabing lugar noong 2016.

Bumagsak din ang temperatura sa Baguio City na pumalo sa 11.5 degrees Celsius, dakong 4:50 ng madaling-araw kahapon.

Ayon kay weather specialist Chris Perez ng PAGASA, mas mababa ang 10.8 degrees Celsius na naranasan sa siyudad sa katulad na buwan noong 2016.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng kindergarten pupil na tinamaan ng ligaw na bala sa klase

Sinabi ni Perez, ito na ang pinakamalamig na klima ngayong taon.

Magtatagal ang malamig na panahon sa bansa hanggang Pebrero dala ng hanging nagmumula sa mainland China at Siberia.

Sa record ng PAGASA, huling naramdaman ang pinakamalamig na klima sa Metro Manila sa 15.1 degrees Celsius noong Pebrero 4, 1987. Naitala naman ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City sa 6.3 degrees Celsius noong Enero 18, 1961. (Rommel P. Tabbad)