Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang “Mass for Hope” para sa mga sumukong durugista sa Manila Cathedral sa Intramuros kahapon.
Dakong 10:00 ng umaga nang simulan ang banal na misa, na dinaluhan ng mga taong nakasuot ng puting T-shirt na may nakasulat na “Every Life Has Hope.” Agaw-pansin ang tarpaulin malapit sa altar na may nakasulat na, “Every life has hope, araw ng pag-asa.”
Layunin ng misa na ipakita sa tao, partikular na sa mga drug user at mga nagbagong drug dependent, na mayroon pang pag-asa para sa bagong buhay, na malayo sa bisyo. (Mary Ann Santiago)