Sinususugan ng pinuno ng House Committee on Women and Gender Equality ang pagpasa ng panukalang batas para sa 100 araw na maternity leave na may 30-araw na extension without pay para sa mga buntis na namamasukan.

Sinabi ni Diwa party-list Rep. Emmeline Y. Aglipay-Villar na sana’y pumasa sa second reading ang bill sa pagbukas muli ng Kongreso sa Enero 16.

“We are expecting it to be read for second reading. It’s already included in the order of business,” saad ni Aglipay-Villar sa isang panamayam.

Noon Oktubre ay ipinasa ng kanyang komite ang bill at inendorso para sa plenary discussions.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sabi niya, “the House leadership has no objection to the bill.”

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, may 60 araw na maternity leave ang mga empleyado ng gobyerno at 60 hanggang 78 araw ang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Ayon kay Aglipay-Villar, magkakaproblema sa pagpapasuso ng kanilang anak ang mga working mother kung babalik sila sa trabaho dalawang buwan pagkatapos manganak.

“This forces them to feed their babies using infant formula, which is not best for their babies’ health,” aniya.

Sang-ayon si Deputy Speaker Raneo Abu sa panukalang batas ni Aglipay-Villar.

“Considering the challenges of traveling with our current traffic situation, especially for the expectant and new mothers in the major cities of the country, I fully support the timely bill,” sabi ni Abu.

Ang bill ay suportado rin nina Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers at Kabayan partylist Rep. Harry Roque.

(Charissa M. Luci)