subora-copy

Sasagupa ang long-time heavyweight competitor na si Igor Subora sa kanyang unang laban bilang light heavyweight sa pagharap kay Sherif “The Shark” Mohamed sa ONE: QUEST FOR POWER, na gaganapin sa Jakarta Convention Center sa Indonesia sa Enero 14.

Isa sa itinuturing na bagong susundan sa mixed martial arts, isasagawa ni Sherif ang kanyang promotional debut, kung saan ang dating Evolution Light Heavyweight Champion ay bitbit ang impresibong 8-1 record. Lahat ng kanyang laban ay naisagawa bago ang pagtunog ng huling minuto para sa apat na knockout at apat na submission finishes.

Gayunman, pilit itong tatabunan ng nakatira na sa Pilipinas na si Subora na ipapamalas ang natutunan nito na level of competition bilang produkto ng Egyptian Top Team. Ipinagmamalaki nito ang kanyang electric skill set na pinaghalo na boxing, jiujitsu, at combat sambo na hindi pa nakikita ni Sherif.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I might be the tallest guy he has ever fought,” sabi ng 36-anyos na si Subora. “I will be much more patient during my fight, and I see my hand being raised at the end of the night.”

Ito ang unang pagkakataon ni Subora, na bitbit ang Manila, Philippines, bagaman mula sa Ukraine, na lalaban sa light heavyweight division.

Nanirahan si Subora sa Manila sapul noong 2008, at naging adopted son ng bansa matapos madama ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang career sa MMA.

“My fans are mostly here in the Philippines,” sabi nito. “I started here, mostly fighting local fighters. I was always the enemy even though everyone in my team is Filipino. Nowadays, I see people changing their opinion of me as I am competing more and more internationally.” (Angie Oredo)