vilma-copy

APRUBADO na ng Kamara ang inihaing House Bill 2952 ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto. Kuwento sa amin ng Star for All Seasons, ang naturang batas ang nagsusulong sa pagtatalaga ng “help and protection desk” sa lahat ng presinto ng Philippine National Police sa Pilipinas para mapagalagaan ang mga kabilang sa ikatlong kasarian, ang mga bading, tomboy at transgender (LGBT). 

Sabi pa ni Ate Vi, pipiliing mabuti ng PNP ang itatalagang mga tauhan nila na mamamahala ng naturang desk para matiyak na ang mga ito ay magiging patas at makatarungan sa kanilang pakikiharap sa mga LGBT. 

Sa mga naunang pagdinig ay mariing kinontra ni Ate Vi ang mungkahi ng National Police Commission na isang memorandum o resolution na lamang ang ilalabas para sa ipinaglalaban na ito ng aktres at politician. 

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Banggit pa ni Ate Vi, dapat isabatas ang House Bill niyang ito para mas makapangyarihan ang pagpapatupad nito.

“Mas madaling magpalabas ng memorandum order kaysa amyendahan ang batas. Ang gusto natin ay isulong ito as full protection para sa ating mga LGBT. Sana maging permanente na ito through a law not only through resolution. I hope this committee will support this endeavor,” sey ng butihing maybahay ni Sen.Ralph Recto. 

Tiyak na matutuwa sa inihaing batas na ito ang LGBT community na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakararanas ng diskriminasyon at panlalait. (JIMI ESCALA)