FORT LAUDERDALE, Fla. (AP) — Kinasuhan na noong Sabado ang Iraq war veteran na inakusahan ng pagpatay sa limang pasahero at sumugat sa anim na iba pa sa isang paliparan sa Florida at posibleng maparusahan siya ng kamatayan.

Sinabi ni Esteban Santiago, 26, sa mga imbestigador na plinano niya ang pag-atake at bumili ng one-way ticket patungong Fort Lauderdale airport, nakasaad sa federal complaint. Hindi pa malinaw sa mga awtoridad kung bakit ito ang pinili niyang target at hindi inaalis ang anggulo ng terorismo.

Sinampahan si Santiago ng “act of violence at an international airport resulting in death” na mayroong maximum punishment na bitay — at weapons charges.

“Today’s charges represent the gravity of the situation and reflect the commitment of federal, state and local law enforcement personnel to continually protect the community and prosecute those who target our residents and visitors,” sabi ni US Attorney Wifredo Ferrer.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng kindergarten pupil na tinamaan ng ligaw na bala sa klase

Bumalik na sa normal ang mga biyahe sa Fort Lauderdale airport matapos ang insidente, ngunit nananatiling sarado ang terminal kung saan nangyari ang pamamaril.