ryan-at-emma-copy-copy

TULAD ng aspiring actress na ginampanan niya sa nakatutuwang musical na La La Land, inialay ni Emma Stone ang kanyang pinakaunang Golden Globe Award sa dreamers at creatives na nakaranas ng kabiguan.

Sa paghakot ng La La Land sa awards, tinalo ni Emma ang mga bigating aktres na sina Annette Bening ng 20th Century Women at Meryl Streep ng Florence Foster Jenkins sa kategorya. Pag-akyat sa entablado, niyakap niya ang kanyang direktor na si Damien Chazelle at co-star na si Ryan Gosling, na pareho ring tumanggap ng award para sa pelikula, at huminto para makipagbeso kay Natalie Portman bago kinuha ang mikropono.

Sinabi niya na nagtungo siya sa Los Angeles 13 taon na ang nakararaan at pinasalamatan ang suporta ng kanyang ina, ama at kapatid na lalaki sa kanyang career. Dalawang beses na siyang naging nominado sa Golden Globes , noong 2014 para sa supporting role niya sa Birdman at noong 2010 para sa kanyang breakout role sa teen comedy na Easy A.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tungkol sa ibang tao ang naging talumpati ni Stone – mula sa mga producer at distributor na Lionsgate dahil sa pagbibigay ng pagkakataon kay Damien Chazelle na nais gumawa ng modern musical, at kay Gosling dahil sa pagiging “the best partner a girl could ask for” at sa choreographer na si Mandy Moore para sa kanyang “brilliance and patience.”

“This is a film for dreamers,” ani Stone. “For any creative person who has had a door slammed in their face, metaphorically or literally ... I share this with you.”

Iniuwi ng La La Land ang mga karangalan bilang Best Motion Picture, Best Performance by an Actress and Actor in a Motion Picture, Best Director, Best Screenplay, Best original Score, at Best Original Score. (AP)