Matagumpay na naipagtanggol ni Novak Djokovic ang kanyang Qatar Open title matapos talunin ang top-seed na si Andy Murray, 6-3, 5-7, 6-4 sa matira-matibay na Finals, Linggo sa Pilipinas.
Ang dramatikong laban ay nagpakita sa kapwa husay ng dalawang pinakamagaling sa men’s tennis sa loob ng 2 oras at 54 na minuto.
Kinailangan ni Djokovic ng apat na match points, tatlo sa ikalawang set at isa sa ikatlo, upang manalo.
Masuwerte rin ito na hindi pinarusahan ng defaulot matapos nitong aksidenteng matamaan ang isang nanonood na babae ng pinalo nitong bola dahil sa galit.
“Best scenario I could ask for beginning of the season,” sabi ni Djokovic.
“Playing all five matches in this tournament and then three hours against No. 1 of the world, (my) biggest rival, and winning in a thrilling marathon match is something that definitely can serve as a positive incentive for what’s coming up in Australia,” sabi ni Djokovic.
“It’s only the beginning of the season, so we had a little laugh at the net actually about it. We both felt like if every match we’re going to play against each other is going to be this way this season, we’re going to have a fun time.”
Naputol naman sa nalasap na kabiguan ang 28-match winning streak ni Murray na nagsimula noong Setyembre 18.
Ang top-ranked na si Murray ay nabigo rin sa lahat ng kanyang 20 laban kontra kay Djokovic kapag nabibigo ito sa first set. Sa pangkalahatan ay hawak ni Djokovic ang 25-11 career record kay Murray.
“Playing against Andy, somehow it feels like playing the mirror image of (me) because we have very similar styles of game,” sabi ni Djokovic. “I can’t recall out of the 35-plus matches how many were kind of one-sided really. Most of the matches we play it’s always going down to the very last few points to decide the winner.”
Nagwagi si Murray sa kanilang huling paghaharap, 6-3, 6-4 sa ATP Finals noong Nobyembre. Ang panalo ang nagtulak kay Murray sa pangunguna kontra kay Djokovic sa year-end No. 1 ranking sa unang pagkakataon.
Ang pagkakadismaya ni Djokovic sa matinding labanan ay halos nagtulak dito sa parusa sa laro kung saan binigyan ito ng umpire na si Carlos Bernardes ng dalawang warnings, kabilang ang “loss of a point” sa second warning.
Ang ikalawang warning ay nagresulta matapos ipalo ni Djokovic ang raketa dahil sa pagkadismaya. Ang unang warning ay sa sixth game ng first set matapos na galit na galit nitong pinalo ang bola sa court na aksidenteng tumalbog sa stands at tamaan ang isang babae.
Bagaman ang inugali ni Djokovic ay nararapat na parushan ng default, binigyan lamang ni Bernardes ang Serbian ng warning.
“I definitely didn’t want to hit the ball at anybody,” sabi ni Djokovic. “Just happened. Fortunate not to get a bigger fine. I have to be more careful I guess. I accept that I made a mistake. It was not intentional at all.”