ramil-de-jesus-kindly-crop-thanks-copy

Naiwan kina Sinfronio Acaylar, Francis Vicente at Oliver Almadro bilang mga pangunahing pinagpipilian sa listahan ng mga kandidato sa pagiging coach ng women’s national team para sa AVC Asian Women’s Seniors tournament at ang nalalapit na 29th Southeast Asian Games.

Ito ay matapos naman umatras si Ramil De Jesus, na huling nagbigay ng tansong medalya sa bansa sa sports na volleyball noong 2005 Philippines SEA Games na ginanap sa Bacolod, Negros Occidental at si Emilio “Kungfu” Reyes.

Ito ay matapos ihayag ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) acting president Peter Cayco, na ang tatlong dati rin naging national team coaches ang mga kuwalipikado para sa responsibilidad.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Acaylar, na kasalukuyang humahawak sa University of Perpetual Help women’s team, ay parte rin sa coaching staff ng pambansang koponan na huling nagwagi ang Pilipinas ng gintong medalya noong 1993 SEA Games.

Si Vicente, na coach ng University of the East women’s team, ay naging head coach ng national squad para sa 2015 AVC Asian Women’s Seniors habang si Almadro, na kasalukuyang coach ng Ateneo men’s volleyball team, ang humawak sa koponan noong 2015 SEA Games.

Nakatakda pa si Cayco na ihayag ang coach para sa men’s national team, kung saan isinasagawa na nito ang pagrerebisa sa mga kandidatong coaches base a plano nito para sa koponan.

Ang mga kandidato ay kinabibilangan nina Lerma Giron, Mac Gepuela, Marcelo Joaquin, Jason Gabales, Michael Inoferio, Bryan Esquibel, Raymund Castillo, Jeremiah Barrica, Raplh Dablo, Leovimo Rivera, Michael Santos, Roberto Javier, Carl Bryan Vitus, Richard Estacio, Ruel Pascual, Leonardo Toyco, Benjamin Mape, Michael Carino, Dexter Clamor at Alvin Dumalaog.

“Sila ang mga coaches natin na kabilang sa LVPI coaches commission,” sabi ni Cayco. “We will pick the head coach of the national team from this pool because they have the commitment and the time for the federation.”

Una nang kinunsidera sina RC Cola-Army coach Reyes at De Jesus ng F2 Logistics subalit umatras ang dalawa dahil sa kanilang responsibilidad sa kinaaanibang koponan sa UAAP. Si Reyes ay hawak ang koponan ng season host University of Santo Tomas habang si De Jesus ay gigiyahan muli ang nagtatanggol na kampeong La Salle sa asam na ikalawang sunod na korona. (Angie Oredo)