BALER, Aurora — Nailibing na sa Mabalacat, Pampanga, ang isang 24-anyos na turista na nalunod sa bayang ito kamakailan.
Nagtungo sa Mother Falls sa Barangay Ditumabo si Arvin Licup, isang registered nurse upang makuhanan ng litrato ang nasabing falls, subalit nauwi ang pagpunta niya sa trahedya.
Sinasabing aksidenteng nahulog si Licup sa talon at tinangay ng malakas na agos ng tubig.
Naisugod pa si Licup sa Premiere General Hospital sa Baler, Aurora, kung saan siya binawian ng buhay. (Light Nolasco)