Hahabulin at pagbabayarin ng Social Security System (SSS) ang mga delingkwenteng kumpanya upang makalikom ng pera.

Isa lamang ito sa mga diskarteng naisip ng ahensiya upang maitaas ang pondo at maibigay ang hinihiling na dagdag pension ng mga miyembro nito.

Ito ang ipipahayag ni SSC Chairman Dean Amado Valdez sa pulong na dinaluhan ng matataas na opisyal ng pamahalaan at mamahayag sa Quezon City.

Sa datos ng SSS noong Disyembre 2016, may 34,000 delinquent employers ang nahabol mula 2010, at P1.4 bilyon ang nakolekta sa mga ito.

Tuesday Vargas, bumwelta matapos sabihang 'boba'

Isa pang paraan para maitaas ang kita ng ahensya ay ang pamumuhunan.

Ayon kay Valdez, plano nilang dagdagan ang assets ng SSS sa pamumuhunan ng 25 porsiyento sa iba’t ibang proyektong imprastruktura tulad ng kalsada, real estate at lotto. Bunga umano ng maayos na sistema, ang balik ng pera ng SSS sa mga investment nito ay nasa 7% noong 2016. (Jun Fabon)