Enero 8, 2004 nang binyagan ni Queen Elizabeth II ang RMS Queen Mary 2, ang pinakamalaking ocean liner sa kasaysayan ng maritime transportation.

Dinisenyohan ng British naval architects, sa pangunguna ni Stephen Payne, at itinayo sa France ng Chantiers de l’Atlantique noong 2003, ang RMS Queen Mary 2 ang pinakamahaba (1,132 talampakan) at pinakamalaki (148,528 gross tonnage) na passenger ship na binuo. Ito ay nagkakahalaga ng US$300,000 per berth.

Pinaaandar ng Cunard Line, ang RMS Queen Mary 2 ang natatanging transatlantic ocean liner sa line service sa pagitan ng Southampton, United Kingdom at New York, United States, ginagamit para sa cruising, kabilang ang taunang world cruise, matapos magbitiw ni Queen Elizabeth 2 noong 2008. Ito ay binubuo ng 15 restaurant at bar, limang swimming pool, kennels, casino, ballroom, sinehan, nursery, at unang planetarium sa dagat.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’