Ikinandado ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang recruitment agency na nangangalap ng mga manggagawang Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa nang walang awtoridad.

Ipinasara ng mga operatiba ng POEA Anti-Illegal Recruitment Branch, sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO), Business Permits at License Office, at ng pulisya ng Valenzuela City ang LDQ Manpower SA 3455 Lozada Street, Malanday ng lungsod.

Inireklamo ng mga aplikante ang LDQ Manpower matapos silang pangakuhan ng trabaho sa Japan bilang caregiver, factory worker, at cleaner, at pinagbayad ng P70,000 sa processing fee; P32,000 sa tiket sa eroplano, at P20,000 bilang ‘show money’.

Ipinadadala umano ng ahensiya ang mga manggagawa sa Japan gamit ang tourist visa sa pamamagitan ng ‘escort system’ sa mga paliparan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga may-ari ng LDQ Manpower na sina Luz Dating Quiambao at Jeffrey Flores Quiambao at empleyadong si Precious Noche Velasco. Isinama rin ang kanilang mga pangalan sa list-of-persons with derogatory record ng POEA. (Mina Navarro)