NAGBABAKASYON ang magkasintahan na sina Prince Harry at Meghan Markle sa Norway, kinumpirma ng iba’t ibang source sa Us Weekly.
Mabilisan lang ang desisyon ng royal, 32, at ng aktres, 35, na kanselahin ang kanilang warmer travel plans para makita ang Northern Lights, na sinabi ng kanilang kaibigan ngayon ang magandang panahon para makita ito.
Ayon sa insider, muling nagkita ang magkasintahan para ipagdiwang ang Bagong Taon makaraan nilang ipagdiwang ang Pasko sa kani-kanilang pamilya. “They spent New Year’s Eve together in London before traveling to Norway,” saad ng source sa US tungkol sa magkasintahan, na pitong buwan nang magkarelasyon.
Ayon sa source, inilaan ng magkasintahan ang dalawang gabi para masaksihan ang Northern Lights, nanatili ang dalawa sa malayong lugar para makita ang pinakamagandang tanawin ng Aurora Borealis. Sabi pa ng insider, nagkaroon din ng masayang excursion ang dalawa kabilang ang orca whale watching, husky sledding at pagdi-dinner date sa malayong lugar.
Nagbabakasyon ang dalawa pagkatapos nilang mas maging malapit sa isa’t isa bago sumapit ang holidays, namili sila ng Christmas tree na magkasama at nanatili sa London. Nagsisimula na rin ang usap-usapan tungkol sa kanilang engagement.
“I can see them engaged by the spring,” saad ng insider sa US. “He’s head over heels.” (US Weekly)