Kinansela ang nakatakdang laro ng Portland Trail Blazers Sabado ng gabi kontra Detroit Pistons hanggang linggo dahil sa potensiyal na panganib na dala ng bagyo.

Dapat sanang isasagawa ang laro Linggo sa Moda Center sa ganap na 6:00 ng gabi.

“The safety of our fans and players is always the highest priority, and this decision to delay our home game until Sunday was made with that in mind,” sabi ni Chris McGowan, presidente at CEO ng Trail Blazers. “Input from the NBA, local government and public safety officials also played a role in our decision to postpone until Sunday.”

Kinansela rin ng mga laro ng No. 5 Gonzaga’s men’s basketball game sa Portland at ang Portland Winterhawks’ Western Hockey League kontra sa Everett Silvertips sa Veterans Memorial Coliseum.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Samantala’y nakumpleto ng Cleveland Cavaliers ang ninanais nitong trade para makuha ang guard na si Kyle Korver mula sa Atlanta Hawks noong Sabado, na nagbigay sa defending NBA champions sa isa pang pangunahing shooter.

“We are extremely pleased to be able to add a player and person the caliber of Kyle Korver to our Cavs family,” sabi ni Cavaliers general manager David Griffin. “Among the most prolific and dynamic three-point shooters in NBA history, a selfless, and team-first competitor, Kyle brings all of the elements of Cavs DNA that we covet on and off the floor.”

Ang 6-foot-7, 212-pound na si Korver ay naglaro ng 32 games (21 starts) para sa Hawks ngayong season na may averages na 9.5 puntos, 2.8 rebound at 2.3 assist sa 27.9 minuto.

Nagtala naman si Russell Westbrook ng 32 puntos, 17 rebound at 11 assist para sa kanyang 17th triple-double sa season matapos na talunin ng Oklahoma City Thunder ang Denver Nuggets, 121-106.

Nagtala si Westbrook ng pitong three-pointers matapos itala ang career-high nito na walo noong Huwebes sa Houston, habang pinantayan nito ang kanyang season high sa rebounds sa kanyang 54th triple-double sa career.

Napaganda ng Thunder ang karta sa 32-3 sa nakalipas na dalawang seasons kapag nagtatala si Westbrook ng triple-double.

Nag-ambag naman si Steven Adams ng 16 puntos, at si Victor Oladipo ng 15 upang tulungan ang Thunder na putulin ang tatlong sunod na kabiguan.

Namuno si Wilson Chandler sa kanyang 24 puntos para sa Denver kung saan nalasap ng Nuggets ang ikalimang sunod na kabiguan.