SA unang araw ng Bagong Taon, tinuligsa ni Pope Francis ang pag-atake sa Istanbul, Turkey, ilang oras pa lamang ang nakararaan na ikinamatay ng 39 na katao at ikinasugat ng 70 iba pa. May pighati niyang winika na napakarami nang pamilya na nagdadalamhati ngayon dahil sa terorismo.
Sa harap ng libu-libong mga peregrino na nakinig ng Misa sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi ng Papa na naging “cold and calculating” ang napakaraming lipunan, na nawalan na ng malasakit sa kapwa. Nanalangin siya sa Diyos na patuloy pa ring bigyan ng sapat na lakas ang “all men of goodwill who courageously roll up their sleeves to deal with the plague of terrorism and this bloodstain which is gripping the world in a shadow of fear and bewilderment.”
Noong nakaraang Linggo ay ipinagdiwang din ang World Day of Peace at sa kanyang mensahe para sa buong mundo, nanawagan ang Santo Papa sa lahat ng tao at sa lahat ng bansa na tumalima sa walang karahasang pamamaraan ni Jesucristo. Sa kasamaang palad, ngayon, aniya, “we find ourselves engaged in a horrifying world war fought piecemeal.”
Ngayon, sa ating sariling bansa, tayo ay nasa kalagitnaan ng pagdiriwang sa taunang Pista ng Itim na Nazareno. Ang imahen ay nasa Quirino Grandstand sa Luneta ngayon, na dinadalaw ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bukas, ang imahen ay ibabalik sa Simbahan ng Quiapo sa pamamagitan ng isang prusisyon na tinatawag na “Traslacion” kasama ang milyun-milyon o iba pang mga manonood sa gilid ng mga daraanan mula Luneta, sa paligid ng pook ng Quiapo, at hanggang sa makabalik sa Quiapo Church.
Nag-aalala ang ilan sa ulat na mayroong ilang grupo mula sa Mindanao na nagbabalak magsagawa ng pag-atake na katulad ng naganap sa Istanbul noong nakaraang linggo, o sa isinagawa sa Berlin, sa Paris, sa Brussells, at sa Dacca. Ang pulisya at ang mga sundalo ay naka-full alert ngayon.
Sa loob ng maraming taon, isinasagawa natin ang prusisyon ng Itim na Nazareno na dinadaluhan ng napakaraming nakapaang mga deboto na nanggaling pa mula sa iba’t ibang panig ng buong kapuluan, at bawat isa ay may kani-kaniyang panata. Tila tumitigil ang lahat sa Metro Manila habang dahan-dahang umuusad ang prusisyon sa mga lansangan ng Maynila pabalik sa iginagalang na pook sa Simbahan ng Quiapo. Ngayong taon, karagdagan sa mga paghahanda ng emergency medical assistance para sa mga maiipit o madadaganan ng baha ng mga tao ang mga pulis at sundalo na naka- full alert at ang publiko ay pinaaalalahanan ding maging mapagmatyag.
Sinususugan namin ang panawagan ng kapayapaan ni Pope Francis sa kanyang New Year’s Day message, laban sa galit at karahasan, para sa pagkakapatiran at pagkakasundu-sundo. Ang bagong taon ay nagsusumamo ng pag-asa at tapang, sabi niya. “I ask the Lord to support all people of goodwill who courageously roll up their sleeves in order to confront the scourge of terrorism and this bloodstain that is enveloping the world with the shadow of fear and confusion,” aniya. “We are children, we are family, we are God’s people.”
Manalangin tayo na marinig ang mga katagang ito ng lahat ng mga tao at ng lahat na mga bansa, kabilang na tayo at ang ating sariling lupain.