RIYADH (Reuters) – Inilatag ng batang prinsipe na namumuno sa kampanya sa reporma sa ekonomiya ng Saudi Arabia ang three-pronged strategy upang maiwasan ang backlash mula sa alinmang religious conservatives na kontra sa kanyang plano, iniulat ng Foreign Affairs magazine noong Sabado.

Sinabi ni Deputy Crown Prince Mohammed bin Salman, ang 31-anyos na namamahala sa pinakamalaking reporma sa estado at lipunan ng bansa, sa mga bumibisitang mananaliksik noong nakaraang buwan na papatawan ng parusa ang sinumang cleric na maghihikayat o magsisimula ng karahasan kaugnay sa mga plano.

Sa “Vision 2030” ni Prince Mohammed, hindi na sasandal ang ekonomiya ng bansa sa langis.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'