Inaabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasahero ng Pasig River Ferry System na hindi makadadaong ang mga ferry boat sa Escolta station sa Maynila.

Ito ay dahil nagpatupad ang Philippine Coast Guard nang no sail zone sa Manila Bay at restricted area ang Pasig River sa harap ng Malacañang bilang bahagi ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa MMDA, simula Linggo ng 12:00 ng tanghali hanggang Enero 10 (Martes) ng 6:00 ng umaga isasara ang bahagi ng Malacañang Restricted Area at mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag o pagdaan ng lahat ng sasakyang pandagat.

Dahil dito hindi makakahinto ang mga ferry boat sa Escolta station.

Probinsya

King Cobra na nasagasaan ng pick-up truck, pinatay at inulam ng ilang residente

Pinapayuhan ang mga pasaherong magtutungo sa Maynila sa Lunes na hanggang PUP station lang ang mga ferry boat na manggagaling sa Guadalupe station sa Makati City.

Magbabalik sa regular na serbisyo ang ferry sa Martes ng umaga. (Bella Gamotea)