direk-elwood-copy

EXCLUSIVE na pasabog ang tsikang ito sa ginagawang bagong pelikula ng multi-awarded master director na si Elwood Perez – na siya mismo ang bida.

Yes, siya ang lead actor dahil tungkol din sa kanya mismo ang pelikula.

Pero hindi naman ito biography film ng batikang direktor kundi naka-focus lang sa mga taon ng buhay niya bilang filmmaker ng Philippine Cinema. Co-producer nito si Direk Elwood na siya ring sumulat ng screenplay.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nakakaintriga at very unique ang titulo ng movie -- Mnemonics, na nang tingnan namin sa Webster dictionary, ang meaning ay “intended to assist memory” or “in relation to memory.”

Knowing Direk Elwood, colorful ng buhay niya bilang direktor. Nagsimula siya noong 1970, ang Blue Boy ang kanyang directorial debut.

Makakasama siyempre sa takbo ng istorya ng Mnemonics ang matapang na paglalahad ng kanyang personal life, ang kanyang lovelife bilang isang gay.

Produced ng Luminosa Productions, ikatlong film installment ito ni Direk Elwood (tutuntong na sa 72 years old sa February 4), simula sa kanyang movie comeback after a decade of absence -- ang Otso(2013) nina Vince Tañada with Anita Linda, at Esoterika Maynila (2014) na pinagbidahan ni Ronnie Liang.

Bago ang 2013 film, eksaktong sampung taon ang huli niyang pelikula, ang Sshhh… She Walks By Night ng dating sexy star na si Belinda Bright with Ricky Davao and Jay Manalo.

Kabilang sa cast ng Mnemonics ang 1960s movie queen na si Ms. Amalia Fuentes, na tanging si Direk Elwood lang yata ang makakapag-convince na lumabas muli sa big screen, pagkaraan ng napakaraming taon.

Close friends nga kasi sina Direk Elwood and Tita Nena (palayaw ni Ms Amalia), na ang daming pinagsamahan.

Na-scoop namin ang balitang ito sa social media, at agad nag-comment ang loyalistang fans ni Ms. Amalia na sobrang miss na raw nilang mapanood muli sa big screen, kaya nagpasalamat sila kay Direk Elwood.

Kinumpirma ng aming source na nakapag-shooting na si Tita Nena, pero hindi ito sure kung “okey na” ang kalusugan ng legendary actress.

Gumaganap bilang young Elwood sa Mnemonics si Lance Raymundo na very proud sa opportunity to play the role of the director.

Nag-post si Lance ng isang larawan sa kanyang Facebook account na kasama niya si Direk, sa set ng pelikula.

Na-curious rin kami sa ginagampanang role as “lover” ng newcomer na si McKevin Velasquez. Ang guwapo niya, in fairness.

Pasok din sa main cast ang inaanak ni Direk na si Timmy Kiggins na anak ni Chuck Perez na alam ng buong showbiz kung gaano inalagaan ni Direk sa mga pelikula nito noong 1990s.

Nasa kasagsagan pa ang shooting ng pelikulang nagtatampok din kina Althea Vega, Ronnie Liang, Japo Parcero, Federico Obles, Carlos Celdran, Tony Boy dela Rea.

Nakatrabaho na ni Direk Elwood Perez ang halos lahat ng major lead actors ng industriya. Isa na si Nora Aunor na si Direk ang namahala sa pinakamaraming pelikula – Lollipops And Roses at Burong Talangka (1975), Till We Meet Again (1985), I Can’t Stop Loving You (1985), Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989), Ang Totoong Buhay Ni Pacita M. (1991), etc.

Hindi na rin mabilang ang Best Director trophies at recognitions bilang Lifetime Achievement Awardee ng iconic director mula sa iba’t ibang award-giving bodies. (MELL NAVARRO)