KALALABAS pa lang ng statement ng Directors’ Guild of the Philippines (DGPI) na nagsasaad na iimbestigahan nila ang nangyari sa shooting ng Oro at saka mag-i-impose ng sanctions sa mga kinauukulan.
Naunahan ang DGPI ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee sa pagpataw ng parusa sa producer at director ng Oro na sina Shandii Bacolod at Alvin Yapan respectively.
Heto ang inilabas na statement ng MMFF Execom noong January 6.
“The Metro Manila Film Festival Executive Commitee suspended Oro producers Feliz Productions and Shandii Bacolod, and director Alvin Yapan from the festival, due to the controversial dog slaughter scene in their movie.”
Isang taon ang ipinataw na suspension sa producers at director dahil sa reklamo ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa “dog scene” sa pelikula violattion sa Republic Act 8485 o The Animal Welfare Act of 1998.
Sa interview sa mga director na sina Joyce Bernal at GB Sampedro, nagpahayag sila na sana hindi ma-ban si Direk Alvin. Pero nakapagdesisyon na nga ang MMFF ExeCom.
Ang tanong lang ng mga nakabalita sa suspension ng MMFF ExeCom, kung puwede pa bang gumawa ng pelikula si Direk Alvin na hindi pang-MMFF? Puwede pa rin ba siyang makagawa ng pelikula sa Cinemalaya, sa Cinema One Originals at mga pelikulang hindi pang-film festival?
Sana may sagot dito ang MMFF ExeCom. (NITZ MIRALLES)