coco-copy

GOOD year uli ang 2016 para kay Coco Martin, kaya nagpatawag siya ng thankgiving merienda with the press last Thursday. Pero hindi lang naman sa press siya nagsi-share ng kanyang blessings. Tuluy-tuloy ang kawanggawa niya, lalo na sa public school students, at maging sa pagbibigay ng trabaho sa mga kapwa artista.

Hindi maramot si Coco sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kapwa.

“Gusto ko pong i-share sa kanila, hindi lang sa aking pamilya. Gusto kong makatulong kahit papa’no sa industriya natin sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng trabaho sa ating mga kasamahan, na ‘yong iba nakalimutan na pero nandidiyan pa rin sila. Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano, nais kong mabigyan ulit sila ng pangalawang pagkakataon para makapagtrabaho po,” bungad ni Coco sa event na ginanap sa Victorino’s restaurant.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Maraming artista ang muling napanood sa telebisyon, na kahit hindi binanggit ni Coco, ay alam ng press na ang mga ito ay sina Joseph Bitangcol, Dindo Arroyo, Rez Cortes, Deborah Sun, Marc Acuesa, Roy Hornales, John Regala, Baron Geisler, Marc Solis, at marami pang iba.

Bukod sa mga nabanggit, muling pinasigla ng serye ang career nina John Prats, Yassi Presman, Agot Isidro at malaki rin ang nagawa ng show sa tambalang MacLisse nina Macoy de Leon at Elisse Joson.

Tatlumpu’t dalawang (32) awards at recognition na ang hinahakot ng FPJ’s Ang Probinsyano simula nang umere ito noong 2015.

“Honestly, sa akin, lahat ng mga natatanggap kong awards lalo na sa FPJ’s Ang Pobinsyano, lahat po ‘yun tini-treasure ko kahit po ‘yung sa mga eskuwelahan, lahat ng mga award-giving bodies. Kasi alam n’yo po na napakaimportante na naa-appreciate nilang lahat ‘yung trabaho na pinaghihirapan po namin . ‘Yung FPJ’s Ang Probinsyano at mga pelikulang ginagawa po namin, ginagawa namin ‘yun para po sa ating manonood para po mapaligaya sila.

“Sabi ko nga po, sa bawat pelikula at soap na ginagawa ko sinisigurado po namin na meron siyang good moral values para po sa ating mga kabataan. Kasi napakalaki po ng responsibilidad naming mga artista at ng media, kayo po, sa lahat ng ating mga kabataan at sa lahat ng ating manonood, kasi mas marami silang oras ngayon na manood ng TV at sa social media. Sabi ko nga po, dapat binabantayan natin ang ating bawat kilos, ang bawat proyektong ginagawa natin at bawat salitang binibitawan natin, kasi maraming kabataan ngayon na tayo ang ginagawa nilang gabay o patnubay sa kanilang buhay. Kumbaga, marami silang natututunan sa atin,” makahulugang sabi ni Coco.

Isa si Coco sa top actor of 2016, consistent na top-rater ang FPJAP, at kamakailan lang ay topgrosser ang The Parental Guardians nila ni Vice Ganda. (ADOR SALUTA)