PINASINAYAAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng pamahalaang lokal ng Catbalogan City, Samar ang bagong community fish landing center para mapabuti ang kalakalan ng mga produktong dagat sa walong coastal village.

Pinondohan ng fisheries bureau ang proyekto sa tulong ng P2.85 milyong bottom-up budgeting fund ng ahensiya.

Umaasa ang pamahalaan na madaragdagan ang kinikita ng mga residente sa coastal villages sa bagong fish landing center sa Silanga village.

“I urge you to take care of this project because this is for your family’s future,” saad ni Mayor Stephanie Uy-Tan.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Ang center ay mayroong post-harvest equipment at mga kagamitan na makatutulong sa mga mangigisda sa pagpepreserba ng magandang kalidad ng mga produktong dagat.

Kabilang sa mga ito ang dalawang chest freezers para sa produksiyon ng mga yelo na idinisenyo para mapanatiling sariwa ang mga produktong dagat upang mapanatiling mataas ang market value ng mga ito.

Makapagpoprodyus ang bawat unit ng 100 hanggang 200 ice pack kada araw, na makasusuporta sa pangangailangan ng 20 hanggang 40 mangingisda sa komunidad.

Idinagdag pa ni Uy-Tan na bahagi ng fish landing project ang istriktong implementasyon at pagpapatupad ng mga batas sa palaisdaan upang matiyak ang sustainable fish production.

“The strict implementation of fishery laws is meant to bring back the abundant marine resources of our sea waters that provides income to the fishermen,” saad ng mayor sa PNA.

“Local consumers will also benefit from the fish landing centers as they will have better access to safe and quality fishery commodities,” ani BFAR Eastern Visayas Regional Director Juan Albaladejo. (PNA)