“SANA hindi totoo, kasi kawawa naman ang girlfriend niya.”
Ito ang sabi ng ilang katoto na nakakapansin sa isang aktor na laging kasama ang kaibigang gay.
“No’ng una dedma lang, walang malisya kasi baka nga tinutulungan lang siya nu’ng kaibigan niyang gay since bago lang siya sa showbiz,” kuwento pa sa amin. “Pero napansin namin, magkasama na sila sa bahay at pati mga special occasions na dapat pamilya ang kasama, magkasama na rin sila. At higit sa lahat, may girlfriend siya na hindi nila kasama sa mga ganoong occasion. So, anong iisipin mo?”
Noong una ay napagkakamalang gay si Aktor, kasi nga malamya at napakahilig sa musicale, kasi nga iyon daw ang kursong tinapos.
Pero nang ipagtanung-tanong namin sa kaibigan naming nakasama ng aktor, hindi naman daw gay. Sa katunayan, maraming babaeng lumalapit sa kanya na pinapatos naman niya. Sa madaling sabi, babaero.
“So, kung hindi siya gay, special friend niya ang lagi niyang kasamang gay?” tanong namin sa mga katoto.
E, baka nga kaibigan lang. Kasi uso naman sa showbiz ngayon na kahit tunay na lalaki ay marami ring kaibigang gays.
“E, ‘yung magkasama sa iisang bahay?” ganting tanong sa amin.
Baka naman nakikituloy lang muna si Aktor sa kaibigang gay, kasi wala pa siyang sariling bahay.
At imposibleng hindi alam ang sitwasyong ito ng girlfriend niya na base naman sa posts nito ay masaya sila parati ng boyfriend niya.
‘Yun nga lang, medyo hindi type ng fans ng aktor ang girlfriend niya dahil umeepal daw, kaya ang ending so-so lang ang career.