ISA pang potensyal na gintong medalya ang nalagas sa Team Philippines nang alisin ng organizer ang Individual Time Trial event sa women’s cycling sa 29th Southeast Asian Games.

Liyamado sa event si Batang Pinoy protégée Marella Vania Salamat.

“Nakita siguro nila na malayo ang oras ng kanilang siklista sa oras ni Marella kaya inalis,” pahayag ni coach Lobramonte.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang ITT ang paboritong event ng 22-anyos Dentistry student sa University of the East bagama’t nagwagi lamang ito ng bronze sa ginanap na 2016 World University Cycling Championship sa Tagaytay City.

“Mahirap manalo sa road race kapag sabay-sabay kayong sumisikad dahil nandidiyan iyung haharangan ka o kaya iipitin ka ng mga kalaban mo habang palapit na sa rematehan hindi katulad sa ITT mag-isa ka at race against the time,” ayon kay Lobramonte.

Bunsod nito, nakatakdang sumabak ang national team sa apat na international road race para maihanda ang koponan sa SEAG. (Angie Oredo)