Siyasating mabuti ang mga trabahong alok sa Internet. Ito ang paulit-ulit na babala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa paglipana ng mga pekeng trabaho na iniaalok sa email at social media.

Kamakailan, nakatanggap ang POEA ng forwarded email mula sa isang biktima na sinabihan ng isang agent na magkakaroon ng interview sa bansa ang isang Canadian employer at hiningian siya ng P3,800 para sa slot reservation. Ilan sa mga inialok na trabaho ay bilang farm laborer, factory worker, caregiver, engineer, truck driver, at office worker.

Pinapangakuhan ng agent ang mga aplikante ng mataas na sahod, 250 porsiyentong overtime pay at paid vacation.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inutusan nito ang aplikante na ipadala ang reservation fee sa isang remittance company. Gayunpaman, pagkatapos matanggap ang bayad, ay wala na siyang naging balita mula sa diumano’y agent. (Mina Navarro)