Hindi na papayagang makasali sa susunod na Metro Manila Film Festival (MMFF) ang producer at director ng pelikulang “Oro” dahil sa kontrobersiyal na eksenang pagpatay sa isang aso sa pelikula.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), napagpasyahan sa pagpupulong kahapon ng MMFF executive committee na patawan ng one-year ban o pagbawalang sumali ang mga producer na sina Felix Guerrero at Mark Shandii Bacolod at director na si Alvin Yapan sa taunang pista ng mga pelikulang Pilipino ngayong 2017.

Ang Oro ang nagwagi ng Best Actress, Best Ensemble Cash Award at FPJ Excellence Award sa nakaraang MMFF 2016.

Subalit binawi ng MMFF executive committee ang FPJ Excellence Award matapos pumalag ang pamilya Poe, partikular si Senator Grace Poe, sa eksenang pagkatay sa aso na paglabag sa Animal Welfare Act.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinokondena rin ng executive committee ang anumang uri ng pagmamalupit sa hayop.

“The MMFF expects every participant through the whole process, including the selection, preview, and exhibition, to act with justice and observe honesty and good faith,” saad sa kalatas ng komite. (Bella Gamotea)