TARGET ng Philippine Ice Hockey Team na makasungkit ng medalya sa Division-3 ng Asian Winter Games sa Pebrero 17-27 sa Sapporo, Japan .

Iginiit ni team manager at assistant coach Francois Gautlier na handa na ang 23-man Philippine team na sumagupa sa mga bihasang karibal sa torneo.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak ang Pinoy sa Ice Hockey, na kabilang sa regular medal sports sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31.

May kabuuang 10 bansa ang kalahok sa third division na hahatiin sa dalawang grupo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama ng Philippines sa Group A ang Bahrain, Kuwait, Qatar at Kyrgyztan.

Nasa huling yugto na ang paghahanda ng Nationals na naging aktibo sa paglahok sa internationals at friendly competition bilang paghahada sa AWG.

Ipatutupad ang round robin elimination at ang mangunguna ang magwawagi ng gintong medalya.

Kabilang ang ice hockey sa limang sports na lalahukan ng bansa sa quadrennial event. May 29 atleta ang ipapadala ng Pilipinas, kabilang ang apat sa figure skater at tig-isa sa snowboarding at speed skating. (Angie Oredo)