Enero 7, 1785 nang matawid ng Amerikanong si John Jeffries at Frenchman na si Jean-Pierre Blanchard ang English Channel gamit ang isang gas balloon o isang sasakyang panghimpapawid na hugis lobo, nang sila’y maglakbay mula Dover, England hanggang Calais, France.

Sa kanilang paglalakbay, muntik na silang sumadsad sa tubig nang aksidenteng bumaba ang kanilang gas balloon dahil sa bigat ng kanilang mga gamit gaya ng angkla, propeller at mga sagwan na ibinalot sa tela na inakala nilang magagamit upang magsagwan sa ere.

Sa isang desperado ngunit matagumpay na balak, napilitan silang itapon ang halos lahat ng kanilang gamit upang mapagaan ang sasakyan at ‘di tuluyang bumagsak bago makarating sa French coast. Itinapon din umano ni Blanchard maging ang kanyang pantalon.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’